Erap bumubuti ang lagay

UMAAYOS na ang lagay ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada isang araw matapos ibalik sa intensive care unit dahil sa impeksyon sa baga.


Ayon sa anak niyang si dating senador Jinggoy Estrada, umaayon ang katawan ng ama sa mga gamot na ibinibigay rito.


“His medications for blood pressure support are being lessened and his kidney function is improving,” ani Jinggoy.


“He is still on oxygen support but continues to be alert and oriented. He still remains at the ICU for further monitoring,” dagdag niya.


Noong Linggo ay idineklarang Covid-free ang dating pangulo pero kahapon ay muli itong ibinalik sa ICU dahil sa nakita ng mga doktor na impeksyon sa kanyang baga.