Angel Locsin: Bakuna di pag-aari ng DDS


SINUPALPAL ni actress Angel Locsin ang isang basher na pinuna ang pagpapabakuna ng kanyang mga magulang.


“Wow! Yung Duterte haters pa talaga nangunguna sa vaccine! Ang gagaling! Ang paplastic!” komento ng netizen.


Agad namang sagot ni Angel, “Last time I checked, hindi pag-aari ng DDS ang vaccines at para sa lahat ito. Nasa priority rin ang senior citizens.”


Pinost ni Angel Locsin sa kanyang Instagram na nagpabakuna ang kanyang mommy at daddy.


“The mother and the father received their first dose of COVID vaccine today! Good “jab”! Salamat @ilovetaguigcity & Taguig health workers,” caption ni Angel.