Duterte: Sara hindi tatakbo sa pagkapangulo sa 2022

IDINEKLARA ni Pangulong Duterte na hindi tatakbo sa pagkapangulo ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte sa 2022 elections.

Ginawa ni Duterte ang rebelasyon sa kanyang taped message na ini-ere Martes ng umaga.

Dahil dito kayat nagdesisyon siyang tumakbo sa pangalawang pangulo sa darating na halalan.

“Hindi naman tatakbo, sabi niya. Sabi ni Mayor Sara Duterte hindi siya magtakbo, sabi ko magtakbo ako ng vice president,” ayon kay Duterte.

Matatandaan na kinumpirma ng Pangulo na lalahok siya sa 2022 elections bilang kandido sa pagka-bise presidente ng PDP-Laban kasama ang presidential runningmate na si Senador Bong Go, na kamakailan lang ay tumanggi sa endorsement ng partido.