Drilon binatikos panukalang pagpalit sa pangalan ng NAIA

BINATIKOS ni dating Senate Minority Leader Franklin Drion ang panukala na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng Ferdinand E. Marcos International Airport.

“This obvious attempt for ingratiation is actually a disfavor to President Marcos Jr. It will not augur well with the call for unity of the Marcos administration. Leave NAIA alone,” sabi ni Drilon.

Ito’y matapos ihain ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves ang House Bill 610 na naglalayon palitan ang NAIA Ferdinand E. Marcos International Airport.

Idinagdag ni Drilon na mas marami pang dapat unahin ang administrasyon.