UMAPELA ang Department of Health sa mga nurse na wag nang ituloy ang balak na kilos protesta sa Setyembre 1, 2021 lalo’t patuloy ang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease sa bansa.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ginagawa naman ng pamahalaan na maibigay ang mga benepisyo para sa mga healthcare workers.
“Kami po ay nakikiusap pa rin sa ating mga healthcare workers because ito po ay makaaapekto nang maigi sa ating operations sa ating ospital, at nakikita naman po natin ang kalagayan o sitwasyon ng ating mga ospital ngayon na ito pong mga klaseng ganitong mga kilos or actions ay sana po maiwasan po muna natin, ipagbigay-daan muna po natin iyong ating pagmamalasakit sa ating mga pasyente,” sabi ni Vergeire.
“Ginagawan po ng DOH ang ating lahat na makakaya para maibigay po natin ang mga kahilingan at mga benepisyo ng ating mga healthcare workers,” ayon pa sa opisyal.