Sorry ni Gerald hindi pa tanggap ni Bea

HINDI tanggap ng aktres na si Bea Alonzo ang paghingi ng sorry ng kanyang ex boyfriend na si Gerald Anderson.

Chika ni Bea, hindi raw usapin ng paghingi ng apology ang isyu kundi accountability at responsibility ng aktor sa kanyang mga ginawa noon sa aktres habang sila ay magkarelasyon pa.

“Ang plastik ko naman kapag sinabi kong napatawad ko na siya. It’s not about asking for forgiveness, it’s taking accountability and being responsible for your actions. Let’s just leave it at that,” sey ni Bea.

Samantala, sinabi naman niya na naiintindihan niya si Janus del Prado sa mga kontrobersyal na mga pahayag inilibas ng aktor.