New record high: 19,411 bagong kaso ng COVID-19

NAITALA ngayong araw ang pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19.

Umabot sa 19,411 ang bagong kaso ng COVID-19 dahilan para umakyat sa kabuuang 1,935,700 ang lahat ng kasong naitala sa bansa, ayon sa Department of Health.

Nalagpasan nito ang 18,332 na naitalang pinakamataas noong Agosto 23.

Sa kabuuan, 142,679 o 7.4 percent ang aktibong kaso na karamihan ay may mild o walang sintomas.

Nasa 1,760,013 ang kabuuang bilang na nakarekober habang ang nasa 33,008 ang bilang ng mga nasawi.