The point is, etc.

NAG-trending nitong weekend ang comment ni Bato dela Rosa sa video post tungkol sa dalawang estudyanteng ininterview kung bakit hindi nila sinuportahan ang impeachment ni Sara Duterte. Sa caption, nakamarka ang hashtag #AI.

“Sabi ko, kung AI man ‘yan, may punto ang gumawa. Kung hindi ‘yan AI, may punto ang mga bata na nagsasalita. Either way, the point is very clear and I agree with that point,” he said.

“Mabuti pa ang mga bata, nakakaintindi sa mga pangyayari. Makinig kayo, mga yellow at mga komunista!”

Me: Kasi, AI na Bato dela Rosa ang sumagot. And the point is, pointless, kayo talaga, bawal dead brain cells.

***
Sabi sa caption ng Pageant Trend Philippines FB Page, June 14, 2025:

Mabuhay! Another crown for the Philippines ✨💫👑💕🇵🇭

Mabuhay Charina Carmen Cabading Josol of the Philippines wins Grand Global Ambassador International Universe 2025, and the Ultimate Grand Winner 2025 in a pageant held in Kota Kinabalu, Malaysia Congratulations!

Me: Okay sige, nasa iyo na lahat- Grand, Global, Ambassador, International, Universe, ano pa.

***

UNTV:

NTC inaprubahan ang registration ng Starlink sa Pilipinas

Me: Kung kelan pa talaga bumabagsak ang Star sa maraming bansa tulad ng Bolivia, South Africa, Cameroon, Congo, Senegal, Ivory Coast, tapos lahat ng major US airlines rejected siya, di pa maka-go ang operations nila sa India at Pakistan, saka pa nagka Link sa Pilipinas

***

Maharlika Investment Corporation Chief Rafael Consing Jr at buong board, nagsumite ng courtesy resignation

Me: Nagtrabaho naman siya, at ang bilis…

Look! Sa wakas, after 1 and ½ years, nitong January 2025, nakapagbwena-mano ang MIC ng P19.7 billion investment or 20% sa National Grid Corporation of the Ph – kung saan Chairman of the Board ang Chinese na si Zhu Guangchao na hinihinalang dummy at, kasama sa consortium ng NGC ang State Grid Corporation of China;

Kaya yes, nagtatrabaho siya katunayan, non-compliant nga sila sa probisyon na non-passing of franchise tax to consumers, imagine, mula 2011-2022 o 11 taon na ipinapasa sa atin ang franchise tax nila!

Nagtrabaho talaga siya dahil,  sumunod na buwan ng February, nakapag-invest ng $76.4 million ang MIC sa Makilala Mining na pinoprotesta ng mga residenteng katutubo sa Kalinga at ng Caritas Philippines – ito’y dahil makasisira sa sakahan at kalikasan ang gagawing pagmimina ng copper. Nangyari na yan noong 1980s sa operations ng Batong Buhay Mines, lugar na masasakop din ng magiging operations ng Makilala!

And yes, nagtatrabaho talaga si Consing Jr kaya nakapag-I-O-U, este MOU na nga sila sa Dubai Port World para sa smart solutions nitong May. 

Ang ‘marites’ naman dyan:   

1. illegal payments at sovereignty violations sa Djibouti; 2. paglabag sa sovereignty sa Somalia; 3. pagtanggal ng 800 manggagawa sa Britain via video call ha; 4. paggamit ng UAE sa DP World para abutin at kontrolin ang strategic at maritime routes  sa buong Asia at Africa; 5. pinakamalala nang image ng DP World ay isinama ito ng Ukraine sa kanilang list of “International Sponsors of War” dahil, nakikipagtulungan ito sa Russia tulad ng pagbili ng container terminal sa Ukraine at transshipment ng Ukrainian grain na nakikinabang ang Russia.

O di ba nagtatrabaho naman siya, kaya tama lang sumasahod siya ng P2.5 million kada buwan, right? Smart moves nga ng Maharlika ang tatlong projects.