INALMAHAN ng Palasyo ang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na ang pagsusulputan ng mga community pantry ay pahiwatig ng desperasyon ng mga Pilipino sa kawalan ng suporta mula sa gobyerno ngayong pandemya.
Iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na namumulitika lamang si Lacson.
“Ay naku, we disagree po. Tingin natin itong mga community pantry ay nagpapakita na bayanihan ang umiiral, hindi bangayan. Alam po ninyo sa panahon ng matinding pandemya, sa panahon ng surge na ito, kinakailangan po talaga ay sama-sama tayong mga Pilipino dahil kung hindi tayo magtutulungan, sino pa ang magtutulungan,” sabi ni Roque.
Sa kanyang tweet, sinabi ni Lacson na nagsusulputan ang mga community patry dahil sa desperasyon ng mga Pinoy.
“Community food pantry is an inspiration born out of desperation. It is a selfless act of people, unwitting they may be, are telling government to do better,” aniya.