Binuhay ng lugaw, sopas. Ate Gay magaling na

NAGPAPASALAMAT ang komedyanteng si Ate Gay sa Diyos at sa mga kaibigang may mabubuting kalooban na tumulong para sa kanyang paggaling sa sakit na pneumonia.


“Magaling na ako. Thank you Jesus,” sabi ni Ate Gay sa kanyang Facebook Live.


“Ako po ako ay okay. Okay na at lalabas na bukas (Lunes), kung hindi bukas ay sa susunod na bukas.

Maraming salamat po sa mga nanalangin at sa mga kaibigan na tumulong sa akin. Thank you,” aniya.


“Ako po ay gumaling sa tulong ni Jesus. Naiiyak ako kasi ngayon lang ako nakapag-live. I love you sa inyong lahat. Binuksan ko po ito para lang po magpasalamat sa inyong lahat, thank you, thank you, thank you. Ito po si Ate Gay. I love you all,” dagdag ng komedyante.


Ibinahagi rin niya ang hirap na dinanas habang nasa ospital.


“Isa ito sa tiniis ko na nalampasan ko… tiniis kong kumain para mabuhay. Salamat sa lugaw, champorado, sopas na bumuhay sa akin nang 20 days. Maraming salamat Lord,” kwento niya.


Noong Marso ay ipinost niya sa FB na nasa ospital siya dahil sa pneumonia.