Pro-Duterte may online signature campaign din

TINAPATAN ng mga tagasuporta ni Pangulong Duterte ang online signature campaign na mga nananawagan sa pagbibitiw ng presidente.


Isang Ryan Deuz Luzande ang utak ng petisyon na pagsuporta kay Duterte.


Nakakuha na ng mahigit 100 pirma ang online petition na “Duterte Remain! Opposition Resign”.


Kamakailan ay sinimulan ang “Save The Nation! Duterte Resign!” online petition na umabot na sa mahigit 58,000 ang lumagda.


Target ng grupo na makakuha ng 75,000 pirma.