Kim Chiu di tanggap ng ‘Its Showtime’ host

NAGPASALAMAT si Kim Chiu kay Vice Ganda dahil tinanggap siya nito sa kanilang long-running variety show sa ABS-CBN.


“Thank you na tinanggap mo ako dito, may iba hindi nila ako masyadong tanggap dito,” chika ni Kim sa kanyang birthday message kay Vice.


Agad namang sumagot sina Karylle at Jugs na tanggap nila si Kim at mahal nila ito.


Humirit naman si Vice na dedmahin na lang ang taong may ayaw kay Kim dahil wala na rin naman ito sa “Showtime”.


“Wala naman na siya hayaan mo na,” aniya.


“Ay live live pala, sorry,” sabi ni Kim nang ma-realize niya na live ang episode ng show.