Sanggol ipinanganak na may 3 ‘putotoy’

ISANG lalaking sanggol sa bayan ng Durok sa hilagang Iraq ang ipinanganak na may tatlong sex organ noong Enero.


Nadiskubre lamang ito ng mga doktor kamakailan nang ipatingin ng ina ang bata dahil sa dalawang nakausling laman sa ilalim ng bayag nito.


Nagulat umano ang mga manggagamot nang malaman, matapos ang pagsusuri, na ang mga nakausli ay mga sex organ din.


Isa ay may sukat na dalawang sentimetro habang ang isa ay isang sentimetro.


At dahil wala namang daanan ng ihi ang dalawang sex organ ay minabuti ng mga doktor na alisin ang mga ito.


Ang pagkakaroon ng tatlong sex organ ng lalaki ay tinatawag na triphallia.


Ito, ayon sa mga dalubhasa, ang kauna-unahang nakumpirmang kaso ng triphallia sa kasaysayan.
Hindi naman madetermina ng mga doktor kung paano tinubuan ng tatlong sex organ ang bata. Hindi naman umano umiinom o nagdodroga ang ina nito.