PULIS NAG-PRANK, SIBAK

SINIBAK ang lahat ng pulis na nakatalaga sa Police Station 5 ng Angeles City dahil sa prank na ginawa ng ilan sa kanila noong Abril 1 o April Fool’s Day.


Sa ulat, mismong si Angeles City Mayor Carmelo Lazatin Jr. ang nag-utos na tanggalin sa puwesto ang mga opisyal at tauhan ng istasyon.


Inilabas sa social media noong Biyernes Santo ang video kung saan dinadakip ng mga pulis ang isang tao sa loob ng bar sa siyudad.


Sa dulo ng video ay sinabi ng mga pulis na prank lamang ang insidente.


Makikita sa video na nakauniporme ang mga pulis. Ginamit din umano nila ang kanilang mobile patrol sa pagpa-prank.