Duterte para VP: Diyos na ang bahala– Malacañang

IPINAGPAPASADIYOS ni Pangulong Duterte kung tatakbo siya o hindi sa pagka-bise presidente sa 2022 elections.


Ito ang sagot ni presidential spokesperson Harry Roque sa mga tanong kung may plano ba ang Pangulo sa susunod na halalan.


“I think I will quote the President, he leaves it to God,” ani Roque.


Matatandaan na ang sagot ni Roque noon tuwing tinatanong ito kung tatakbong vice president si Duterte ay abala ang Pangulo sa Covid response ng pamahalaan.


Ilang miyembro ng partido ni Duterte na PDP-Laban ay kinukumbinse siyang tumakbo sa halalan sa 2022 bilang bise presidente.


Pero giit ni PDP-Laban acting president Sen. Manny Pacquiao, walang basbas ng partido ang mga nasabing panawagan. –WC