Pinay sa Canada kinatay, sinunog ng 2 bagets na kababayan.

ARESTADO ang dalawang lalaki, isa ay menor de edad, na itinuturong pumatay at nagsunog sa isang Pinay kamakailan sa British Columbia, Canada.


Isa sa mga suspek ay kinilalang si Carlo Tobias, 21. Ang isa pa ay 15-taong-gulang. Pilipino rin ang dalawa.
Base sa ulat, pinatay umano ng mga suspek si Maria Cecilia Loreto, 49, sa bahay nito sa New Westminster noong Marso 17.


Nadiskubre ang sunog na bangkay ng biktima kinabukasan sa park sa Burnaby.


Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa pagpatay, pero magkakilala umano ang biktima at mga salarin.