2 linggo matapos mabakunahan, midwife namatay sa Covid-19

INIIMBESTIGAHAN na ng Department of Health ang ulat na isang midwife sa San Mateo, Isabela ang namatay sa Covid-19 halos dalawang linggo makaraan siyang mabakunahan laban sa nakahahawang sakit.


Ayon sa ulat, nagpositibo sa virus si Elvira Estera municipal midwife ng San Mateo, matapos siyang makatanggap ng bakuna. Kinalaunan ay nagpakita ng mga sintomas sa sakit si Estera kaya agad dinala sa ospital kung saan siya sumakabilang-buhay.


Maliban kay Estera, nagpositibo rin sa Covid-19 ang 15 kasamahan niya sa Rural Health Unit ng San Mateo. Ilan din umano sa mga ito ay nabakunahan na rin.