INUUTUTAN ni pastor Christ Penelope ng Seven Fold Holy Spirit Ministries sa Limpopo, South Africa, ang mga miyembro ng kanyang kongregasyon upang pagalingin ang mga ito sa pisikal at espiritwal na karamdaman.
Sumikat sa social media ang pastor mula sa Giyani matapos kumalat ang larawan niya na nakaupo at inuututan ang mukha ng isang kasapi na may sakit.
Sa isang panayam, sinabi ni Penelope na hindi niya ginagamit ang relihiyon upang gumawa ng kababuyan o kabulastugan.
Aniya, nagmumula sa Diyos ang kapangyarihang magpagaling ng kanyang utot.
Dagdag niya, sinusunod lamang niya ang “banal na halimbawa’ kung saan pinatutulog muna ang mga taong nangangailangan ng milagro bago sila pagkalooban ng paggaling na kailangan nila.
Paliwanag niya: “It started with Master Jesus when he stepped on Peter. It is the demonstration of God’s power. Just like God made Adam go into a deep sleep, it is a similar thing. God did anything with the body of Adam while he was on the ground in deep sleep. He was not feeling anything.”
Mahalaga rin aniya na nakadikit ang ilong ang kanyang puwet para agad pumasok sa katawan ang kapangyarihan ng paggaling.
Paggising ng mga ito, ani Penelope, ay parang bula nang naglaho ang kanilang mga dinaramdam.