2 sugatan sa pagsabog sa simbahan; misa tuloy

SUGATAN ang dalawa katao sa pagsabog na naganap malapit sa kapilya at presinto sa Cotabato City kagabi.


Kinilala ang mga biktima na sina Marguiana Kalim at Azmad Cader, mga residente ng Brgy. Mother Bagua. Nagtamo ng mga sugat sa katawan ang dalawa at ginagamot sa ospital.


Sinabi ng pulisya na naganap ang insidente sa Jose Lim st., alas-6:30.


Nagulat na lamang ang mga residente na dumadalo sa misa sa kapilya nang marinig ang pagsabog sa di-kalayuan.


Hindi naman nagsitakbo palabas ang mga residente at kalmadong tinapos ang misa.


Inaalam pa ng mga otoridad ang nasa likod ng pag-atake.