6 patay sa July 4 parade mass shooting

ANIM ang patay matapos ang nangyaring mass shooting habang nagsasagawa ng parada sa Highland Park, Illinois, Chicago habang ipinagdiriwang ang US Independence Day.

Sinabi ng mga opisyal na aabot sa 24 ang sugatan din sa pamamaril, kasama ang mga bata na nasa kritikal na kondisyon.

Nagsasagawa na ng manhunt sa 22-anyos na suspek na nakilalang si Robert E. Crimo III.

Pinagbabaril ng suspek ang mga dumadalo sa parade mula sa isang rooftop gamit ang isang high-powered rifle.

Nangako naman si President Joe Biden na patuloy na lalabanan ang karahasan dulot ng baril sa US.

“I’m not going to give up,” sabi ni Biden.

Noong isang linggo, pinirmahan ni Biden ang unang federal bill kaugnay ng gun safety, ang kauna-unahan sa nakalipas na mga dekada.