6 stars ng teleserye nagpositbo sa Covid-19

INAMIN ng anim na stars ng ABS-CBN teleserye “Bagong Umaga” na nagpostibo sila sa Covid-19.

Sa media conference ng teleserye, ni-reveal nina Tony Labrusca, Barbie Imperial at Kempee De Leon na nadale rin sila sa virus.

Nauna nang ibinahagi nina Heaven Paralejo, Sunshine Cruz at Nikki Valdez ang kanilang experience sa Covid.

Ani Barbie, hindi niya na pinost sa kanyang social media accounts na nagpostibo siya dahil baka magkaroon ng kalituhan ang kanyang co-stars kung kailan siya tinamaan.

Samantala, sinabi ni Tony na nakaramdam siya ng body pains, fever at cough.

Laking-pasasalamat naman niya na mabilis ang naging recovery niya.

Nagpasalamat din sina Kempee at Sunshine sa team ng “Bagong Umaga” dahil hindi sila pinabayaan nito. –A. Mae Rodriguez