NAGHAIN ng panukala si Sen. Robin Padilla para sa legalisasyon ng civil union sa pagitan ng mga same-sex couples.
Sa ilalim ng Senate Bill 449 na tatawagin na “Civil Unions Act,” sinabi ni Padilla na dapat kilalanin at protektahan ng Estado ang karapatan ng mga mamamayan sa same-sex relationship ng kaparehong pagkilala at karapatan ng mga ikinasal na babae at lalaki.
“Any person who knowingly or wilfully refuses to issue civil union licenses or certificates despite being authorized to do so, denies rights and benefits entitled to civil union couples, or commits unlawful, discriminatory employment practices,” ayon sa panukala.
Nahaharap sa multa na hanggang P1 milyon at pagkakakulong ng 10 taon ang hindi magkakasal sa same-sex couple.