KLINARO ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na “legal tender” o maaaring gamitin ang mga peso bills kahit pa naka-stapler ito.
“Possession and use of stapled bills, hindi po ‘yan illegal. Dapat tanggapin pa rin ang stapled bills at pwede pa rin pong gamitin sa mga pang araw-araw na transaksyon,” pahayag ni BSP Strategic Communication and Advocacy managing director Antonio “Tony” Lambino II.
Ginawa ni Lambino ang klaripikasyon makaraang iulat na hindi tatanggapin ng isang mall ang P1,000 polymer bill na naka-stapler.
“Only those that are mutilated — stapled and ripped caused by removal of staple wire — will be deemed unfit and not accepted. Our policy has considered the guidelines set by the Bangko Sentral ng Pilipinas,” ayon sa nasabing mall.
Pinayuhan naman ni Lambino ang publiko na huwag i-stapler ang mga pera, papel man o polymer.