Liquor ban sa QC simula bukas; gym, spa, internet cafe isasara

SIMULA bukas hanggang sa katapusan ng buwan ay magpapatupad ng liquor ban sa Quezon City habang pansamantala ring isasara ang mga gym, spa, internet cafes, public swimming pool at resort. Ani Mayor Joy Belmonte, maaari ring magpasya ang mga opisyal ng barangay kung mag-iisyu ng quarantine pass upang malimitahan ang galaw ng mga residente.

Sinabi ng alkalde na ang mga hakbang ay naglalayong pababain ang bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa siyudad.