Naii-stress sa Covid? Hug a sheep

ITO ang payo ng life coach sa Germany na si Lexa Voss, na nag-aalok ng mga paraan upang mabawasan ang lungkot at pagkabagot dahil sa lockdown.

Pinamamahalaan ni Voss ang isang educational program sa farm sa bayan ng Hattingen kung saan pwedeng yakapin ang mga tupa nang libre.

“We have marvelous sheep here who like it very much if they get visitors,” aniya. “I allow people to visit the sheep unattended, and have a wonderful time with them in nature and far away from any masks and social distancing.”