‘Bata’ Reyes: Di ako hinuli

NILINAW ni Efren “Bata” Reyes na hindi siya dinakip habang naglalaro ng bilyar sa San Pedro, Laguna noong Sabado ng gabi.

Giit niya, sinamahan lang niya ang mga kakilala niyang ipinatawag sa barangay. Hindi rin umano sila inaresto, pero pinagsabihan lang saka pinauwi.

Inamin naman ng billiards legend na pumunta siya sa exhibition game sa pag-aakalang may permiso iyon ng otoridad.