Job fair sa Independence Day: Dagdag tips para ready sa bakbakang aplikasyon

DAHIL halos balik na sa dating face-to-face interaction, ang mga job application ay ganito na rin ang mode ngayon.

Kaya nga this month, kung saan kaliwa’t kanan ang mga job fairs, maraming mga aplikante, lokal man o para sa trabaho abroad, ay nakikipagsapalaran, mula Luzon hanggang Mindanao.

Maraming oportunidad na makahanap ang mga aplikante ng trabahong sa tingin nila ay bagay sa kanilang soft and hard skills.

At dahil malapit na rin ang Independence Day, may listahang payo tayo na makakatulong sa inyo para sa mga pupuntahang scheduled job fairs.

1. Gumawa ng maayos na resume (pag may experience na) o di kaya at curiculum vitae or CV (para sa mga newly-graduates)

I-highlight ninyo ang inyong capabilities and qualities na sa tingin ninyo ay isang common denominator sa paghahanap ng trabaho.

Gawing simple at hindi parang “copy-paste” lamang galing sa Google or Microsoft Word format ang inyong mga resume or CV.

Sa mga newly-graduates, naituro na sa inyong mga colleges o di kaya unibersidad sa mga naganap na “career talks” ang paraan sa paggawa nito. Wala namang mali or tamang format, dapat lang ay tama ang inyong mga personal details at contact numbers at spelling ng inyong email address.

2. Huwag papalit-palit ng contact numbers

Hangga’t maaari ay huwag papalit-palit ng contact numbers. Huwag matutukso sa mga bagong promo ng mga network sim cards. Kayo rin, hindi kayo mako-contact pag need na kayo mainterview, or kapag nainterview na kayo ay maimbita para pumirma ng job offer. Maglagay din ng alternate contact person like a member of a family, spouse or ang mapagkakatiwalaang kaibigan.

3. Check your email regularly

Maliban dun, ibigay ang inyong tamang email address na magagamit sa mga business formal transactions. Huwag naman gumawa ng email na kakaiba at mejo bastos (gaya ng f*[email protected] or [email protected]) dahil hindi ito cute or amusing.

Siguraduhin din na alam mo pa rin ang iyong mga username at password dahil base sa experience ko, halos ang mga rason ng mga natatawagan kung bakit hindi nila nache-check ang email sa kanila ay dahil sa hindi na nila alam ang kanilang password.

4. Mag-subscribe sa mga job portals gaya ng Jobstreet Philippines, Workabroad.ph, or gumawa ng inyong eRegistration account sa Department of Migrant Workers (dating Philippine Overseas Employment Administration o POEA) website para makita mo ang mga series of job fair events na maari mong puntahan.

Ang mga nabanggit na portals ay walang bayad.

Heto ang kanilang mga link for your information:

Jobstreet Philippines – https://www.jobstreet.com.ph/
Workabroad – https://www.workabroad.ph/
Department of Migrant Workers or POEA – https://onlineservices.dmw.gov.ph/OnlineServices/Public/CreateAccount.aspx

5. Pagplanuhan ang pagtungo sa mga job fairs

Magplano ng inyong byahe papunta sa mga job fairs. Paglaanan ito ng budget (pamasahe, pagkain, tubig at contingency fund). Magbihis nang maayos, kumportable pero disente. Magsuot nang maayos na sapatos (oo, alam ko natambak ang mga disenteng sapatos or mga sneakers nung lockdown at maaaring hindi kayo nakabili ng maayos) kaya dapat i-test drive muna ang sapatos sa pangmalayuan o pangmatagalang suot sa bahay.

Marami akong nawitness na ganito nung nakaraan major recruitment event namin sa isang hotel.

6. I-follow ang mga official social media pages ng mga legal at lisensyadong ahensya pang-lokal o abroad, o di kaya ay mga Facebook pages ng mga Public Employment Service Office or PESO.

Nakalagay sa kanilang mga official social media pages ang mga recruitment activities at kung saang job fair events sila sumasama. Mas maige at safe pa rin iyon dahil dito legal lahat ang mga employers at agency participants.

Sana makatulong sa inyo ang mga tips na ito sa inyong paghahanap ng trabaho. Sa huli, lahat tayo ay hangad maging malaya sa kahirapan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng disenteng trabaho na disente rin ang kita.

Sa Linggo, June 12, ay nasa DMW/POEA grounds ako mula 8 AM to 5 PM dahil kasama ang aking pinagtratrabahuang agency sa job fair. Sana makita ko kayo lahat dun. Sa muling pagsusulat! Abangan!


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]