Tinakasan ng groom, bride nagpakasal sa bisita

NAGPAKASAL sa isa sa mga bisita ang bride makaraang biglang maglaho ang kanyang groom sa kanilang pag-iisang dibdib sa Uttar Pradesh, India.


Ayon sa ulat, pinili ang bago pinakasalan ng bride sa miyembro ng partido ng groom.


Napag-alaman na matapos na pagpapalit ng garland ng bride at groom ay biglang umalis nang walang pasabi ang lalaki.


Makaraang halughugin ang wedding venue at hindi makita ang groom, sinabi ng pamilya ng bride na nagbago ng isip ang lalaki at tumakas.


Imunungkahi naman ng isa sa mga bisita na ituloy ang kasal at mamili na lang ng bagong groom mula sa partido ng lalaki.


Natuloy ang kasal makaraang makapili ng karapat-dapat na kapalit ang pamilya ng bride.


Nakatakda namang magsampa ng reklamo sa otoridad ang pamilya ng bride laban sa groom.


Samantala, humingi rin ng tulong sa pulisya ang pamilya ng groom dahil hindi nila ito mahagilap.