‘Monster’ biik isinilang sa Ilocos Sur

PINAGKAGULUHAN kahapon ng mga residente ang isang biik na may dalawang mukha at anim na paa sa San Juan, Ilocos Sur.

Sinabi ni Eugenio Alonzo, ang may-ari ng inahing baboy, halos himatayin siya nang bumungad ang itsura ng biik.

Sinabi ni Alonzo na ang biik ay ang ikalimang isinilang ng nahing. Hindi naman nagtagal mula nang iluwal ang biik ay namatay na rin ito.

Agad namang kumalat sa barangay ang balita ukol sa “freak pig” kaya sumugod ang mga residente sa bahay ni Alonzo para makita ang biik.

Ayon kay Alonzo, mahigit tatlong dekada na siyang nag-aalaga ng baboy pero ngayon lang siya nakakita ng ganoon ang itsura –A. Mae Rodriguez

Larawan mula sa: GMA Network