Longest hair in the world ginupit

NAGPAGUPIT na ang bagets na may hawak ng rekord para sa pinakamahabang buhok.


Labing-dalawang taon na inaalagaan ni Nilanshi Patel, 18, ng Gujarat, India ang kanyang buhok kaya naging emosyunal siya habang ginugupit ito. Hinalikan niya ito bilang pamamaalam.


“I’m so excited and a little bit nervous because I don’t know how I’m looking in the new hairstyle. Let’s see what happens, but I hope it’s going to be amazing,” aniya.


At nang matapos ang sesyon, sinabi niya na, “Oh my god it’s beautiful! It’s amazing! I’m like a little princess!”


Huling nagpagupit si Patel noong anim na taong gulang siya. Nagkaroon umano siya ng di-magandang karanasan sa salon noon kaya nagdesisyon siyang huwag na itong galawin.


Mula noong 2018 ay hawak niya ang Guinness world record for longest hair kaya tinawag siyang “real-life Rapunzel”.


Bago ipinagupit ay umabot sa 6 feet 6.7 inches ang kanyang crowning glory.


Ibinigay niya sa isang museum ang ginupit na buhok.


“My hair gave me a lot. Because of my hair I am known as the ‘real life Rapunzel’. Now it’s time to give it something back,” ani Patel.