Libreng marijuana sa nagpabakuna

NAKALIBRE ng stick ng marijuana ang mga taga-New York City na nagpabakuna kontra-Covid-19.


Namigay ang mga pro-marijuana activists ng libreng joint sa Manhattan para sa sinumang magpapakita ng katibayan na naturukan na sila.


Itinaon ng mga aktibista ang pamimigay ng marijuana sa April 20 o 421, ang unofficial na Araw ng Marijuana.


Ipinagdriwangg din ng mga ito ang bagong batas sa siyudad na pinapayagan ang mga may-edad 21 pataas na makabili at magtanim ng marijuana para sa personal use.


Mabilis umanong naubos ang marijuana dahil sa dami ng gustong makalibre, kabilang ang ilan na nakadoble makaraang magpakita ng ID na nabakunahan sila at isang kapamilya.