Lechon manok umulan sa Cavite

NAMAHAGI ng lechon manok ang lokal na pamahalaan ng Noveleta, Cavite sa bawat kabahayan para sa selebrasyon ng kanilang kapistahan.


Pinangunahan ni Mayor Dino Reyes Chua ang distribusyon ng lechon manok, na ikinatuwa ng mga residente.


Ayon kay Chua, ang pagsasalo-salo ang isa sa mga nakagawian nang gawin tuwing pista ng bayan kaya minabuti nila na magbahagi ng manok sa bawat pamilya para may mapagsaluhan ang mga ito.


“Libreng lechon manok sa bawat bahay ang handog natin upang ipagdiwang nang ligtas ang ating fiesta ngayon 2021! Abangan ang House to House Delivery sa inyong Barangay,” anunsyo ng alkalde.


“Ang tunay na diwa ng Kapistahan ay ang ‘salo-salo’ ng buong pamilyang nagkakaisa! Walang magugutom sa Noveleta,” dagdag niya.