Digong nakapili na ng bagong PNP chief

NAKAPILI na si Pangulong Duterte ng bagong hepe ng Philippine National Police (PNP), ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.


Sa press briefing, sinabi ni Roque na mayroon nang hahalili kay PNP chief Gen. Debold Sinas pero hindi pa niya ito maiaanunsyo.


“I know he (Duterte) has made the decision but I’m not at liberty to announce anything unless I have the appointment paper,” ani Roque.


Nakatakdang magretiro si Sinas sa Mayo 8.


Matatandaang sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) spokesman Usec.

Jonathan Malaya na binase ni Duterte ang pagpili sa bagong PNP chief sa seniority, merito at naranasan.


“Bago matapos ang linggong ito ay magkakaroon ng anunsyo ang ating Pangulo kung sino ang kanyang pipiliin,” ani Malaya.