Good Samaritan namigay ng tig-P100 sa nakapila sa community pantry

IBINAHAGI ni dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño ang video ng isang lalaki na namamahagi ng tig-P100 sa mga nakapila sa community pantry sa Makati.


Sa video, makikitang inaabutan ng lalaki ang mga nakapila ng pera.


“Holy smokes! A man arrived at our #CommunityPantry in Makati and gave away P100 to everyone in the line. Hindi nagpakilala. Salamat kung sino ka man!” saad ni Casiño sa tweet.


Tuwang-tuwa naman ang mga residenteng nabigyan ng pera.