DORIS BIGRONIA LUMUTANG MATAPOS ANG OPEN-HEART SURGERY

UM-APPEAR na ang broadkaster na si Doris Bigornia sa kanyang show sa DZMM Teleradyo ilang linggo matapos ang kanyang open-heart surgery.

Sa kanyang show, pinasalamatan ni Doris ang kanyang pamilya at katrabaho na ipinagdasal ang kanyang recovery.

“Pasalamatan ko rin… ang mga tumulong at nanalangin na ating mga Kapamilya sa lahat ng sulok ng daigdig–America man, Canada, Australia… Europa. Talagang lahat sila, nanalangin para sa atin,” chika ng Mutya ng Masa.

Laking pasasalamat din niya sa mga doktor na nagsalba sa kanyang buhay at sa Diyos para sa “panibagong pagkakataon”.

Kakatapos lang ni Doris sumailalim sa ikatlong heart bypass surgery at kailangang mag-dialysis naman dahil sa kidney failure.

Chika niya mahirap ang dialysis pero “BFF” niya ito ngayon dahil ito ang bumuhuhay sa kanya. Bukod sa heart at kidney problems ay may diabetes din si Doris.

Inatake sa puso si Doris noong February. –A. Mae Rodriguez