#changeoil trending pa rin, Misis na ayaw magpa-change oil si mister dumami

Change oil

MAGKAHALONG irita at amusement ang sentiment ng ilang kalalakihan sa gulong kinasasangkutan ni Yves Esteban, ang sento ng #changeoil saga sa Facebook at Twitter.

Nagkalat sa social media ang chatbox screenshots ng mga lalaking sinisi si Esteban dahil ayaw silang paalisin ng kanilang mga partner kapag nalamang magpa-change oil sila.

“Kuya Yves naman, ngayon natatakot na akong magpaalam na magpapa-change oil ako. Iba na iisipin ng girlfriend ko, kasalanan mo ‘to,” isa sa mga messages na ipinadala ng netizen kay Esteban. “Gara mo tol, magpapa-change oil pa naman ako ngayong araw ayaw tuloy ako payagan ng girlfriend ko,” ayon pa sa isa.

Nag-trending ang kwento ni Esteban at ng “friend” niyang si Sarah de Leon matapos mahuli silang nagde-date ng girlfriend ng lalaki. Kinumpronta ni Kathyrine Roman si de Leon, na sinabing hindi sila lumalabas ni Esteban pero later ay umaming nagpapasama siya rito para magpa-change oil. For more juicy bits, dahil binura na ni Roman ang mga rants/confessions niya sa FB, eto at makitsismis tayo kay Em-Em Fernandez.