40 baboy na namatay sa aksidente, dinumog

PINAGHATI-HATIAN ng mga residente sa Navotas City ang 40 baboy na namatay nang maaksidente ang sinasakyang truck ng mga hayop sa Road 10 ngayong araw.


Mahigit 100 buhay na baboy ang agad na naialis sa tumagilid na truck at nadala sa katayan.


Ayon sa pulisya, aabot sa 160 baboy ang karga ng truck.


Napag-alaman na nang makita ang mga patay na baboy ay sumugod ang mga residente sa lugar at pinagkukuha ang mga ito.


Sabi ng isang saksi, may ilang residente na sa mismong lugar tinadtad at pinaghati-hatian ang karne.


Dedma naman ang mga residente sa payo ng mga otoridad na huwag kainin ang baboy dahil hot meat ang mga ito.


Anila, hindi namatay sa sakit ang nga hayop kaya ligtas itong kainin.