Fetus iniwan sa fastfood resto

PINAGHAHANAP ng pulisya ang babae na nag-iwan ng fetus sa comfort room ng isang fastfood restaurant sa Cebu City kahapon.


Nakabalot ng lampin at nakasilid sa itim na garbage bag ang agas, na tinatayang pitong-buwan, ayon sa pulisya.


Napag-alaman na nililinis ng empleyada ang CR alas-3 ng hapon nang makita niya ang dugo sa garbage bag na nakalagay sa basurahan.


Nang buksan ang plastic bag, nagulat ang empleyada nang bumulaga ang lalaking fetus.


Dinala sa St. Francis Memorial Homes ang agas.


Nirerebisa na ng pulisya ang kuha ng CCTV ng restaurant upang madetermina kung sino ang nag-iwan ng fetus.