HINDI na kinuwestyon ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang lahat ng certificates of canvass (COC) ng katatapos na halalan nitong Mayo 9.
Sa isang manifestation sa pagbubukas ng joint Congressional canvassing, sinabi ng abogado ni Robredo na si Romulo Macalaintal na ang desisyon ay base na rin sa naunang pahayag ng presidential candidate na dapat irespeto ang desisyon ng mga botante.
“We interpose no objection to the inclusion [o]f all the certificates of canvass for president from the various provincial and city boards of canvassers found by this honorable board to be authentic and duly-executed,” ayon kay Macalintal.
Isinasantabi na rin anya ng kampo ni Robredo ang pag-appear nila sa joint canvassing para mas mapadali anya ang proceeding.
Martes ng umaga nang pormal na binuksan ang joint Congress bilang National Board of Canvassers para sa canvassing ng presidential at vice presidential race.
Pinuri naman ng kampo ni presumptive President Bongbong Marcos ang naging desisyon ni Robredo.