19 patay sa school shooting sa Texas; suspek patay rin

UMABOT na sa 21-anyos ang nasawi sa pamamaril ng isang 18-anyos sa loob ng isan elementary school sa Texas, ang pinaka madugong pamamaril sa Amerika sa nakalipas mga na taon.

Nangyari ang pag-atake sa Uvalde, Texas.

Sinabi ni Texas Governor Greg Abbott na binaril ng suspek ang kanyang lola bago nagtungo sa Robb Elementary School Martes ng tanghali, inabandona ang kanyang sasakyan at pumasok sa paaralan na may bitbit na baril at isang rifle.

Ayon kay Abbot napatay rin ng mga rumespondeng pulis ang suspek.