NAIPROKLAMA na bilang susunod na gobernador ng lalawigan ng Quezon si Quezon Rep. Helen Tan.
Si Tan, na isang doktor, ang kauna-unahang babae na nahalal bilang gobernador ng Quezon matapos makakuha ng kabuuang boto na 790,739 mula sa dalawang syudad at 39 na munisipalidad sa katatapos na halalan nitong Mayo 9.
Huling termino na ni Tan bilang fourth district representative ng lalawigan.
Tinalo ni Tan ang nakaupo at reeleksyonistang si Danilo Suarez na nakakuha lamang ng 320,395 boto.
Panalo rin ang running mate ni Tan na si dating Lucena City Councilor at vice gubernatorial candidate Anacleto Alcala III matapos makakuha ng 665,570 boto kumpara sa kalaban nitong si Betty Nantes na nakakuha lang ng 283,588 na boto.
May 1,424,023 botante ang Quezon. Sa tala, tanging 1,424,023 lamang ang bumoto o 85.77 percent ng kabuuang bilang ng mga botante sa lalawigan.