Pilipinas: Republic of Marites, sabi ni Digong

TINAWAG ni Pangulong Duterte ang Pilipinas bilang ‘Republic of Maritess’.

“Kung gusto mo ng tsismis, marami ako. Lahat ang ano, this — hindi na ano, this is a Republic of Marites na ngayon eh. Lahat ng tao may tsismis, babae’t lalaki,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People na iniere Huwebes ng umaga.

“Noon sa mga babae lang ‘yan but… Kawawa ‘yung mga babae na pangalan Marites talaga. Magsabi doon sa classroom, ‘Marites’ ganoon. Tsismosa. Lahat naman,” dagdag pa ni Duterte.