Chie Filomeno kinuwestiyon tagumpay ni Robin; inokray ng publiko

PINASARINGAN ni dating “Pinoy Big Brother” celebrity housemate Chie Filomeno ang mga Pilipino na bumoto sa senatorial frontrunner na si Robin Padilla.


Sa Twitter, inihayag din ni Chie ang kanyang pagkadismaya sa pagkatalo ng abogadong si Chel Diokno at iba pang para sa kanya ay nararapat sa Senado.


“Sinayang n’yo si Chel… ang daming sinasayang!!!!!” ani Chie.


“YUN TALAGA numero uno NIYO?!” dagdag niya.


Agad namang binutata ng mga bumoto kay Robin ang dalaga.


“Trip lang namin iboto yung alam naming may magagawa sa pilipinas. Wag kana magtanong baka pag natripan namin ibash ka ma depress ka.”


“Si robin po hindi puro daldal lang, gawa nalang ng gawa. at yun Ang di alam ng marami dahil di sya nagpapasikat sa mga ginagawa nyang pagtulong.”


“Kasi po sa totoo lang kung sino pa yung may mataas na pinag aralan na politicians sila pa yung hindi nakakatulong sa mahihirap kaya tingin ko kay Robin may magagawa tong maganda sa pinas lalo na sa mga mahihirap.”


“Chel’s purpose of running is to serve his ooparty… robin’s is to serve the country… big difference.. puso kasi ang tiningnan namin hindi ang resume.”