INENDORSO ni dating Commission on Elections Commissioner Rowena Guanzon ang kandidatura nina Vice President Leni Robredo at Senador Francis.Pangilinan.
Sumama si Guanzon sa campaign rally nina Robredo at Pangilinan sa Sagay City, Negros Occidental.
“Never again, Never again! Mabuhay si Leni, Kiko!” sabi ni Guanzon.
Nauna nang binatikos ni Guanzon ang pagkakabalam ng pagpapalabas ng desisyon kaugnay ng petisyon para idiskwalipika si Bongbong Marcos bilang presidential candidate
Bumoto siya sa diswalikipikasyon ni Marcos bagamat hindi na ito naisama sa boto matapos magretiro noong Pebrero.