Vico Sotto: Kahit nanay ko kailangang pumila sa bakuna

IPINAGDIINAN ni Pasig Mayor Vico Sotto na walang palakasan sa pagbibigay ng bakuna dahil ultimo nga ang ina niyang si Coney Reyes ay hindi pa nababakunahan.


“Strictly, no walk-in. Pinipilit natin na maging maayos yung sistema. Kung nagkukumpulan tayo, baka doon pa magkahawahan,” pahayag ni Vico.


“Nanay ko nga mismo, hindi pa nababakunahan,” dagdag niya.


Ayon sa alkalde, kailangan dumaan sa tamang proseso ang mga magpapabakuna, kahit ina niyang veteran actress.


Kwento niya, hinihingi ng veteran actress ang link para makapagpa-register ito sa bakuna pero tumanggi siyang ibigay.


“Hinihingi niya pa nga sa akin ‘yung link. Sabi ko, ‘Tingnan mo na lang sa PIO, Ma, kung saan ‘yung link’,” sabi ni Vico.


Kailangan din aniyang hintayin ni ina niya ang message ng team kung kailan ang schedule niya.
Si Coney ay 67-anyos na at may pre-existing conditions.