Residente ng Pateros nagpanggap na may comorbidity para mauna sa bakuna

NAUDLOT ang pagbabakuna kontra-Covid sa Pateros matapos matuklasan na nagpanggap na may comorbidity o mga sakit ang ilang residente para agad matutukan.


Sinabi ni Pateros Mayor Ike Ponce na nadiskubre ng mga health workers sa vaccination site na wala namang pre-existing conditions ang ilang sumagot sa registration form na mayroon silang comorbidity.


Nilinaw naman ni Ponce na inaalam pa ng kanyang mga tauhan kung sinadya o hindi ang ginawa ng mga ito.


Paalala niya sa mga nasasakupan na sagutin nang tama ang form para ang mga nasa priority list lang ang mabakunahan at hindi magkaroon ng kalituhan.


Sa kasalukuyan ay mga health workers, senior citizens at may mga comorbidity lamang ang maaaring bakunahan.