Angelica Panganiban nawalan ng movie projects dahil sa pandemic

NANGHIHINAYANG si Angelica Panganiban sa mga movie projects niyang naudlot dahil sa pandemya.


“So far may mga nakapila naman na gagawin kaya lang alam naman nating lahat na dahil sa situation ngayon, mahirap mag-develop ng isang project,” aniya. “So, ayun exciting kasi hindi ko rin alam kung kailan ito maisasakatuparan.”


Sa kasalukuyan ay ayaw muna niyang tumanggap ng mga teleserye dahil nakakapagod daw gumawa nito.
“Kasi for almost 30 years, ito ‘yung ginawa ko. Sa kalahati ng buhay ko, gusto ko ring ibigay sa sarili ko, deserve ko naman din sigurong magpahinga pagdating sa paggawa ng teleserye,” chika ni Angelica.