Umabot sa 5,404 ang bagong kaso

NGAYONG Marso 15, Umabot sa 5,404 ang bagong kaso ng coronavirus disease ngayong araw, pinakamataas na naitala sa taong ito. Ito rin ang ika-apat na pinakamataas na bilang ng impeksyon sa isang araw simula nang ideklara ang outbreak sa bansa.

Ayon sa Department of Health may 626,893 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 ang naitatala sa bansa.