Resort na may foam party, bikini open ipinasara

PANSAMANTALANG ikinandado ang isang resort sa Bohol na nagsagawa ng foam party at bikini open nang walang permiso.Inatasan ni Bohol Governor Arthur Yap na maglabas ng cease and desist order laban sa resort sa Panglao dahil sa mga paglabag din nito sa health protocol.

Hirit naman ng resort na nagpasa sila ng mga requirement pero hindi umano ito naiproseso sa oras ng lokal na pamahalaan.