Roque ‘sad’ dahil di nabakunahan

NANGHIHINAYANG si presidential spokesman Harry Roque na hindi siya nabakunahan kontra-Covid-19 nang simulan ang pagtuturok ng Sinovac vaccine sa PGH noong Marso 1.

“Nagsisisi nga ako na hindi ako nagpabakuna noon sa PGH. Kung hindi siguro naubusan at napabakunahan ako, siguro hindi na ako nadapuan ngayon,” ani Roque na inanunsyong positibo siya sa nakahahawang sakit ngayong araw.

“It was really, I think, sad na hindi ako nakapagpabakuna,” dagdag niya.